Mga Luto ni Dennis
@ Masflex 25th Anniversary
Naimbitahan ako ng isang kilalang brand ng mga gamit sa kusina ang MasFlex para sa pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo. Kasabay din nito ang pagpapakilala nila ng kanilang bagong Brand Ambassadress na si Ms. Nancy Reyes – Lumen.
1pm ang nakalagay na start ng programa kaya naman nag-halfday ako sa aking trabaho at pumunta na ako sa venue ng events. Sa La Pavillon sa may MOA complex ito ginanap.
Nakakatuwa naman at during the registration ay may nakita akong pamilyar na mukha at ito ay si Ms. Maridel Pacleb na nakasama ko sa isang event naman ng Alaska.
2pm nagsimula ang programa at habang naghihintay kami ay nag-ikot-ukot muna kami sa venue kung saan naka-display ang lahat ng produkto ng MasFlex.
Habang naghihintay sa pag-start ng programa, mayroon ding contest ng pagandahan ng paggawa ng pancake. Ofcourse gamit ang pan na gawa ng MasFlex.
Habang naghihintay ay napapalabas din ng mga videos ng mga tips sa tamang paggamit ng kanilang producto at ang ibat-ibang technique sa pagluluto.
How I wish na magkaroon ako ng mga gamit na ito sa kusina. Kung pwede lang i-uwi lahat. Hahahaha.
Hindi lang mga kawali o kaserola ang produckto ng Masflex. Halos lahat ng gamit sa kusina ay mayroon sila. (Magkano naman kaya ang mga presyo nito? hehehehe)
Part of the program ay ang cooking demo ng kanila Brand Ambassadress na si Ms. Nancy Reyes Lumen. Kinulob ang isa sa mga niluto niya at nakalimutan ko naman ang tawag sa iba. hehehehe
Itong pica-pica lang ang nakuhanan ko ng picture dahil medyo late na nag-serve ng snacks. Sa gutom ko hindi ko na nakunan ng picture. Hehehehe
May mga raffle prizes din na ipinamigay at isa naman ako sa pinalad na makakuha ng Datu Puti Gift pack. And take note maganda ang laman ng loot bag nila ha. May kasama itong isang 22cm na frying pan. Wow! tamang-tama at may pamalit na ako sa aking kawali. hehehehe
To be honest, hindi ko pa na-try ang mga producto ng MasFlex. Wala din akong idea kung magkano ang mga presyo nito sa merkado. Siguro i-check ko na lang kapag napadaan ako sa mga tindahan nito sa mga mall. Ako kasi kapagbumibili ng mga kawali, kaserola o mga gamit sa bahay, hindi yung mga mamahalin ang binibili ko. Ofcourse dahil sa budget. Pero paminsan-minsan din naman ay nakakabili ako ng medyo may kamahalan lalo na nga itong mga gamit sa kusina.
For sure masusubukan ko ang MasFlex dahil sa free frying pan na ibinigay nila. Ipaalam ko sa inyo kung okay ba talaga ang brand na ito.
Till next!!!!
Read more: http://mgalutonidennis.blogspot.com/2016/06/masflex-25th-anniversary.html
0 Comments